Ang pagtataksil sa asawa ay isang krimen sa Pilipinas. Ang pakikipag-relasyon nang isang kasal na lalaki o babae sa iba ay pinaparusahan nang ating batas. Hanggat walang hatol ang isang korte na pinapawalang bisa ang kasal, hindi malaya ang isang kasal na babae o lalaki na sumama sa iba.
Ang adultery ay isang krimen na kung saan ang isang kasal na babae ay nakipagtalik sa lalaki na hindi nya asawa. Maging ang kanyang kalaguyo na lalaki ay pwedeng kasuhan ng adultery kung alam nang lalaki na may asawa ang babae.
Hindi maaring gamiting depensa ng babae na iniwan siya nang kanyang asawa upang maiwasan ang krimen na adultery. Ito lamang ay magagamit upang babaan ang sentensya ng pagkakakulong.
Ang babae at ang kanyang kalaguyo na nahatulan ng korte na may sala ng adultery ay paparusahan ng pagkakakulong sa loob nang dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang anim na taon. Kung ang babae ay iniwan ng kanyang asawa nang walang tamang dahilan, maaring babaan ang panahon ng pagkakakulong sa apat na buwan at isang araw hanggang dalawang taon at apat na buwan.
Ang concubinage naman ay isang krimen na kung saan ang isang kasal na lalaki ay gagawa nang alin man sa nakasaad na sitwasyon sa baba:
1. Pakikipagtalik sa isang babae na hindi nya asawa sa nakahihiyang pamamaraan (tulad nang bulgar at lantarang kasama ang kabit sa pampublikong lugar)
2. Pagpapatira sa kabit sa bahay ng mag-asawa
3. Pakikipag-live in sa kabit sa isang bahay.
Maari ding mahatulan ng concubinage ang kabit nang lalaki.
Ang lalaki na nahatulan ng korte na may sala ng concubinage ay paparusahan ng pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon at dalawang buwan.
Ang kabit nang lalaki ay hindi makukulong. Ang parusa lamang sa kanya ay destierro na kung saan pagbabawalan ang kabit na pumunta sa mga lugar na nakasaad sa court order na hindi hihigit sa 250 kilometers at hindi kukulang sa 25 kilometers mula sa nasabing lugar.
Ang Nicolas & De Vega Law Offices ay isang law office sa Pilipinas. Maari nyo kaming bisitihain sa 16th Flr., Suite 1607 AIC Burgundy Empire Tower, ADB Ave., Ortigas Center, 1605 Pasig City, Metro Manila, Philippines. Kami rin ay maaring matawagan sa +632 4706126, +632 4706130, +632 4016392.