Bilang isang corporate lawyer in the Philippines, isa sa mga madalas na itanong sa akin ng mga empleyado sa kumpanya ay ang tungkol sa kanilang 13th month pay. Karaniwan ng itinatanong ng mga empleyado, lalo na ang fresh graduates, ang tungkol dito. Ano ba ang 13th month pay? Lahat ba ay entitled makakuha nito? Magkano ba ang makukuha ko pagdating ng Pasko? Paano ba ito kinokompyut? Kailan ito matatanggap? Makakakuha pa rin ba ako kung nag-resign ako?
Upang malaman kung magiging mas masaya ang Pasko mo, narito ang isang infographic upang maipaliwanag ang mga tanong sa itaas. Basahin upang mabigyang linaw ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa 13th month pay.
Ano ang 13th Month Pay?
Ito ay isang form of monetary benefit na natatanggap ng isang empleyado pursuant to Presidential Decree 851. REQUIRED itong ibigay ng isang kumpanya sa kanilang empleyado.
Sino ang entitled na makakuha ng 13th Month Pay?
Lahat ng rank-and-file employees, regardless kung anong nature ng employment mo. Dapat ay nakapag-trabaho ka ng at least 1 month sa loob ng taon. Maging ang mga domestic workers (kasambahay, drayber, labandera atbp) ay entitled tumanggap nito.
Paano ang Computation ng 13th Month Pay?
13th Month Pay = [Total basic salary earned x Months stayed in the company] / 12
Example: [Php10,000 x 6 months] / 12 = Php5,000 (13th Month Pay)
Ano ang mga hindi kasali sa 13th Month Pay Computation?
-Maternity leave
-Sick leave
-Unused vacation leave
-Allowance
-Overtime
-Night differential
-Holiday pay
Lahat ng hindi kasama sa basic pay mo ay hindi kasama sa computation ng iyong 13th Month Pay
Kailan dapat makuha ang 13th Month Pay?
Kailangang ibigay ang 13th Month Pay nang hindi lalampas sa December 24 ng taon. Maaaring hatiin ng iyong boss ang pagbigay nito sa loob ng isang taon.
Makakuha pa rin ba ako ng 13th Month Pay kung ako ay nag-resign o naalis sa trabaho?
Oo, entitled ka pa ring tumanggap ng 13th Month Pay basta’t tumagal ka ng isang buwan sa trabaho. Pareho lamang ang magiging computation nito.
Ano ang pinagkaiba ng 13th Month Pay sa Christmas Bonus?
13th Month Pay = Required by government
Christmas Bonus = Not required by government
Taxable ba ang 13th Month Pay?
Sa ilalim ng TRAIN Law, and 13th Month Pay and other bonuses ay hindi taxable as long as hindi ito lalampas ng Php90,000.